Ang Legasiya ng Panday

Fan Story Originally Written by: Mark Adrian Cawit

download

“Pagmasdan mo ang katuparan ng lahat ng pinaghirapan ko! Ngayon nyo makikita ang katuparan ng lahat ng plano ko! {laughs hideously} Hindi nyo na ako magagapi! Bawat kamatayan na ibinigay nyo sakin ay sya namang lakas sa pagbalik ko sa mundong ibabaw! Wala ka nang magagawa Mark, nagawa ko na ang lahat! [laughs hideously] Ang kaibigan mo na nagsimula ng lahat, ang humulma ng espada na hawak mo ngayon, Ang kapatid mo na nagmana ng espada ng Panday! At ngayon, pati ikaw! Isa ka rin sa nagbigay katuparan nung una nang pinagtulungan nyo ako ni Flavio!!! [laughs hideously]

Yan ang sinisigaw ni Lizardo sa taas ng bundok kung saan ay nasakripisyo nya na ang pamangkin ko na lalaki. Ang anak ni Tristan. Tanghaling tapat yun pero madilim. Maitim ang ulap at kumikidlat! Malakas ang tinig ni Lizardo, mas malaki sya ngayon at mas naging makapangyarihan! At nababalot ng pulang kapangyarihan ang buo nyang kaanyuna. Halos humigit kumulang 15 feet na ang taas nya at parang mas lalo pang nadaragdagan ang taas at laki nya. Ako na lang isa ang natira at halos wala na rin akong lakas. Patay na ang lahat ng mga naging kasama ko pati na rin ang Prinsesa ng isang kaharian na akala ko pa sanay magiging karelasyon ko dun. Pero maraming sorpresa ang nangyari. Maraming bagay na hindi namin inaasahan ang kumitil sa buhay ng mga mandirigmang sumama sa amin. Nahirapan ako sa napakalaking paniki na tumambad sa harap naming lahat ng naabot namin ang paanan ng bundok. Sa pagtingin mo sa itaas makikita mo ang napakaitim na ulap na nagtipontipon at malakas ang kidlat. Yun ang dahilan kung bat hindi namin nasalba ang anak ni Tristan. At si Tristan, nasiraan ng bait sa isang maliit na nayon. Hindi ko na sya pinahintulutang sumama. Wala din nagawa ang mga tao dun sa kanya kundi ang itali sya sa hawla, dahil kung hindi susugatan nya ng susugatan ang sarili nya. Wala sa sarili nya si Tristan. Ang higanteng itim na paniki na tumambad sa amin, malapad ang pakpak nya, mula kanan hanggang kaliwa tinatantya kong 20 meters and lapad. Apat na lang kami ang natira nun. Matalim ang gilid ng pakpak ng paniki at ang tinig nito ay nakakabingi sa tenga pagsumigaw. Natagalan din kaming patayin ang paniki. Dalawa kami ang natira. Ang prinsipe ng isang kaharian na sumama sa amin at ako na lang ang umakyat sa itaas kung saan kailangan naming maabutan ang anak ni Tristan na nasa amin na noon. Nabawi namin sa sa ilalim ng lupa. May kuweba dun kung saan nakatago lahat ng mga Sombra Oscura. Mas malakas din sila. Mas malaki ang espada at matatalim ang mga kukuko at kumakagat na parang bampira. Pinagpaplanohan namin na bumalik na lang ng Santo Sepulchro para mas ligtas ang bata pero si Tristan, may nangyari. Isang buwan din bago nangyari ang katapusan ng lahat. Ang kamatayan ng anak ni Tristan, ng pamangkin ko. Alam ng lahat kung ano kaimportante ang celibasiya. Sa Santo Sepulchro pa lang may mga nakalaban kami na mga taga nayon na nawala sa sarili nila. Nasiraan ng bait, napasukan ng demonyo. Isa lang ang paraan kung paano hindi ka mapasukan. Celibasiya, kapangyarihan laban sa sarili. Sa simula halos hindi makaya ni Tristan pero pinaintinde ko sa kanya na ang anak nya ang nakasalalay. Sa kanya nakasalalay ang kaligtasan ng anak nya. Ang sakripisyo nya ang magbibigay daan kung paano namin makukuha ang anak nya bago ang susunod na pulang kabilugan ng buwan. Ang mahika na gagawin ni Tristan ay nakasalalay sa celibasiya. Sya ang ama, sya dapat ang may pinakamalaking sakripisyo. Mababawi namin ang pamangkin ko pagnagsakripisyo si Tristan. Pero nagkamali si Tristan! Hindi sya dapat bumigay sa mahika ng mga nakaitim na mga babae. Ang mga magagandang babae na yun na ang mga mukha ay parang sa diwata. Sabi pa ng matandang ermitanya sa kabilang bundok na aming naabot, dati talaga silang mga diwata na piniling maging tao. Dahil ang mga diwata ay hindi talaga ganun kaakit akit ang anyo at isa lang ang paraan para mapanatili nila ang kanilang kagandahan, ang maging tao. At sa mundo ng mga tao alam din nila pwede pa rin silang maging makapangyarihan gamit ang buhay ng mga inosente. Nakita nila ang importansya sa sarili gamit ang maitim na mahika. Dahil sa pagiging tao nila, nawala din ang kapangyarihan nila bilang diwata. At sa bawat lalaki na mahumaling sa kanila ay tiyak na kamatayan ang dala. At sa kamatayan na yun, kapangyarihan sa mga mangkukulam na mga babae na dati ay makapangyarihang diwata. Tinanong kami ng matandang ermitanya lalo na ako “Ikaw estranghero, nakikita ko kung ano ka kalapit sa mga babae, makakaya mo kaya ang mga babaeng nakaitim na yun? hahahaha! Pero nalilito lang ako, bakit ka birhen?”. Natawa si Tristan nun. “Hahahaha! Paano sya naging birhen e may dalawang anak yan. hahahaha!”. Tumahimik lang ako nun at nakangiti.

https://i0.wp.com/fc01.deviantart.net/fs70/f/2013/087/2/d/ang_panday_by_pinoyman-d5zja6q.png

Malalim na ang gabi nun at tulog ang lahat. Nasa ilog kasi ako noon at nakikiusap sa mga nilalang na pwedeng tumulong at sumama sa amin. Pinasok si Tristan ng maitim na usok sa kwarto nya. Ang maitim na usok na yun ang naging napakagandang babae na hindi natanggihan ni Tristan. Kasunod nun ay ang iyak ng anak ni Tristan papalayo sa nayon. Hinabol yun ng iba naming kasamahan pero kahit na ang Prinsipe naming kasama ay hindi nakayanan ang mahika ng mga mangkukulam na mga babaeng yun. At nabawi sa amin ang anak ni Tristan. Paano nangyari ang lahat? Halos malapit na 10 ng gabi. Iba ang mundo na yun kumpara dito. Sa bawat sulok ng buhay, may mga makapangyarihang nilalang na nagtayo ng kanilang kanya kanyang territoryo base sa mga elemento ng mundo. Apoy, Lupa, Hangin at Tubig. Lahat ay may buhay pati ang mga puno na hindi gumagalaw, tinatago lang nito ang sarili sa mga taong wala syang interes. Kailangang marami kami, napagtantya namin na mas malaking puwersa ang makakasagupa namin sa Bundok na kung saan nagmumula nag maiitim na ulap na unti unting tumatabon sa buong kalupaan. Dali nitoy hinagpis at delubyo. At malapit na ring maabot ang nayon na kung saan ay namalagi kami kasama ang nabawi naming anak ni Tristan. Hindi naging madali ang lahat. Mas malakas ang mga Sombras ngayon, mas magaling sila sa espada. Maraming namatay sa amin. sa halos 25 ngayon ay 15 na lang kami ang natitira. Nakiusap ako sa Reyna ng Elemento ng tubig pero hindi sya naging kaibigan sa akin. Hindi sya naniniwala na maabot ng kapangyarihan at gulo ni Lizardo ang territoryo ng tubig. Hindi pa kami tapos magusap ng umangat na tubig sa ilog at pomormang hugis ng tao ng biglang may tumakbo sa likod ko. Isa sa mga taga nayon. Ang anak daw ni Tristan, nakuha uli! Wala na ang anak ni Tristan sa nayon ng nakabalik ako. Si Tristan naman nasa loob lang ng kwarto nya at tumatawa ng magisa. Sinunggaban nya ako para suntukin pero napigilan ko sya. Nawala sa bait sa Tristan. Ginamit ng Prinsipe ang kapangyarihan nya para mapigilan ang kumuha sa anak ni Tristan pero mabilis ang maitim na usok na lumabas sa nayon dala ang umiiyak na sanggol!

At ngayon, nalagasan kami ng husto. Sa simula ay 8 kami. Ngayon 2 na lang kami ng Prinsipe. Paakyat kami nun ng biglang may mga halimaw na lumandag sa amin! Matataga na sana ako nun pero nataga rin ng Prinsipe ang halimaw sa likod ko pero dala din nun, nahulog sya at wala syang ibang nagawa kundi ang ihagis sa akin ang sandata nya. Parang katulad din yun ng balaraw na gawa ni Flavio pero iba ang kapangyarihan. Mataas ang bundok kahit na maliit lang ito. Mataas ang parte na kung saan ay dapat namin akyatin.At ako na lang ang natira. Nagawa na ni Lizardo ang ritual. Sumisigaw na sya nun at napakalaki nya na. Nagkandasugat sugat ang mga kamay at braso ko sa kakaakyat kasama ang Prinsipe. Nagalusan din ng pagkaramirami ang katawan ko ng nawasak ang batong naabot ng kamay ko sa kakaakyat.

May malaking espasyo baka mo maabot ang pinakataastaasang parti ng bundok na kung saan kitang kita ko na si Lizardo na tumatamasa ng kapangyarihan at mas lalong lumalaki at tumatawa. Nababalot sya ng pulang liwanag na nagpapalakas sa kanya nito. Nanlaki ang mga mata ko nun ng makita ko kung ano ang nasa ibaba bago mo maabot ang lugar na kung saan ang pamangkin ko at si Lizardo. May mataas na mga tao. 3 sila, nakahawak ng malalapad na espada at hawak nila ito pataas sa harapan nila. Ang pananamit nila parang gawa sa matigas na materyales. Para itong Cloak at may mga desenyo ng kahalayan. Full armored sila at ang mukha nila ay natatabanun ng metal na maskara na may matulis na disenyo pababa at pataas. Halos 10 ft din ang taas nila. At malalaki, naalala ko tuloy sa mundo nila ni Nuala, ang  maliit na kaharian na inatake namin ng kapatid nya. Nakatayo lang sila na parang estatwa. Nakabantay at hindi ko na dapat pagdudahan kung bat sila nandun. Nang inabot ng kanan kong kamay ang isang nakausling malaking bato sa lupa para iangat ang sarili ko, nagsimula silang magsalit. Nakakatakot ang tinig nila. Parang mga espirito ang nagsasalito at hindi sila. Hindi ko na maalala ng husto ang pinagsasabi nila pero kahindikdhindik sa pandinig ang tinig nila. Para silang nageesplika ng kamatayan sayo “…ang paglabag sa kagustuhan ng Pangingoong Lizardo ay Kamatayan…Hindi katarungan at kalinisan ang dapat na mangibabaw sa mundo kundi kapariwaraan… Kamatayan, Kahalayan, Kahirapan… Walang makakapigil sa kagustuhan ng anak ng Demonyo…Ang Panginoon naming si Lizardo… Ngayon, tikman mo ang kamatayan!”  Habang nagsasalita sila, hindi pa rin sila nakagalaw. Para lang silang mga rebulto na may malapad at matalim na espada na inaangat sa dibdib nila pataas. Nakadapa pa rin ako nun at hinihingal. Mataas ang bundok. Parang kasing taas ng 50 storey building. Halos hindi ko kinaya yun. At pagkasabi nila ng pagkasabi ng katagang Kamatayan sabay sabay silang pomorma para umatake. Malalaki sila, ang mga braso nila parang 2 beses kalaki ng hita ko. Nakadapa pa rin ako nun at pagod na pagod at pinahaba ko ang espada ni Flavio! Umatake sila ng sabay sabay! Nasalag ko ang espada ng isa at nakadapa ako para pumunta sa likoran nya. Ang dalawa sa kanan at kaliwa nya nataga nila ang lupa na kung saan nandun sana ako! At dahan dahan na naman silang bumalik sa dati nilang posisyon. Naglakad sila ng dahan dahan sa kin at nagsasalita sa nakakatakot na tinig. Kumbinasyon ng maraming tao ang tinig nila. May matandang babae, lalaki, bata, yun ang pinagsasama nilang tinig na parang ummusig. Habang dahan dahan silang papalapit, “…wala kang nagawa sa mga kasamahan mo para masalba sila. Lahat sila namatay dahil sa kapabayaan mo na rin, pakinggan mo!”. At una nilang pinarinig ang tinig na pinakamalapit na mandirigma na namatay sa ibaba ng isakripisyo nya ang sarili nya para mapatay namin ang higanteng paniki. Sinisisi nya ako. Mas lalo din naging masakit sa kalooban ang sumunod na tinig na sinisi din ako sa kamatayan nya, ang Prinsesa! “…at marahil ay hindi mo pa alam, ang mga taong umaasa sa inyo sa Sto. Sepulchro, Kamatayan sa mga sumusuway sa Panginoong Lizardo!”. Sunod nun ay narinig ko ang mga hiyaw at sigawan ng mga bata at mga inosenteng tao sa Sto. Sepulchro! Hinahanap kami ng mga bata, alam ko ang tinig ng isa sa kanila, sya yung tanong ng tanong sakin sa palengke. Lahat sila ay parang pinapahirapan at nasa tinding paghihirap. Sinisisi ako nila akong lahat. Halos madala na ako nun at papalapit na ng papalapit ang 3 kong kalaban na dahan dahang humahakba para ipataw sakin ang kamatayan. Napaluha na ako nun. Pero nakarealisa ako sa gusto nilang mangyari, gusto nilang masiraan ako ng loob. Hindi gaano malawak ang espasyo at kailangan ko nang gumalaw bago ko maabot ang pinakasulok ng espasyo na yun. Sa pagkakataong ito unang sumalakay ang nasa kaliwa, tinamaan ko ang balikat niya pero matigas ito na parang bakal. Sumunod ang sa gitna at napailag ako papunta sa isa sa kanan. Mabilis naman rumespunde ang isa para tagain uli ako pero nakailag ako kaagad at natamaan nya ang kasama nya. Sabay sa pagtama nya, nakita ko na sa leeg lang talaga ang mahinang parti ng armor nila. Kasabay din nun ay ang hiyawan sa sakit ng maraming tinig galing sa mga kalaban ko. Naging mahaba ang labanan. Hindi na makagalaw ng husto ang isa. Nagapi ko silang lahat at yun ang nakaubos ng lahat ng lakas ko. Pero bago yun, ang nakaparealisa sakin na hindi totoo lahat ang tinig na naririnig ko ay ang ibinigay ng Prinsesa sakin na kwintas. May kapangrayihan nya yun. Kung patay na sya, di dapat iilaw yun. Nasa beywang ko ang kwintas at buti na lang hindi nadurog sa pagkakahulog ko kanina. Nagduda ako baka ang mga taga nayon may alam sila kung saan pwedeng mabuhay ang mga kakamatay lang…

Halos wala na rin akong lakas. Nakaluhod ang kanan kong tuhod. At nakatarak ang Espada ko sa lupa na sinasandigan ng mga braso ko. Nakatingin ako sa lupa at hinahabol ang hininga ko. May sulosyon sa lahat. May pwede pa akong gawin. Yan palagi ang paniniwala ko. Kaya kailangan kong kumalma, magisip. Umangat ang mukha ko at nakita ko na mas lalong nagiging makapangyarihan si Lizardo. Mas malaki at tumatawa. Palaki sya ng palaki. At may naalala din ako, kapya may mga kapangyarihan ang mga Espada na nasa akin. Ang espada ko at espada ng Prinsipe! At may tinig akong narinig, kasama nun ay ang pagliwanag ng Espada ng Prinsipe na ngayon ay isa na itong balaraw at sa buong paniniwala ko ay patay na sa pagkakahulog ang may ari! “Hahaba din ang espada na to katulad ng sayo. Sabay nun, Ituro mo sa kay Lizardo ang dalawang Espada at bigkasin mo ang mga salitang….”. Sinunod ko ang tinuro ng tinig ng babae. At bigla na lang nangyari ang hindi ko pa nakikita sa obra ni Flavio! Pati na rin ang sa Espada ng Prinsipe! Umilaw ang dalawang sandata ng napakalaki at bumuga ng kapangyarihan! Tinamaan nito si Lizardo, sinubukan nyang labanan. Malakas na sya nun at naglaban kami napaluhod ako nun sa lakas ng kapanyarihan nya. Alam ko na sa pagkakataong yun, hindi na sya makakabalik. At narinig ko uli ang tinig at pinabigkas nya nag isa pang salita. At mas lalong naging makapangyarihan ang Espada at nagapi nito si Lizardo! Kinain ng liwanag ang kabuuan ni Lizardo.Pagkatapos nun binitiwan ko ang dalawang espada na hawak ko na parang wala na akong pakialam. Umakyat ako sa itaas. Nandun pa ang pamangkin ko. Ang anak ni Tristan. Patay na ang sanggol. Ang 6 na buwan na sanggol nya kay Eden. Napaiyak ako nun, kamukha ng anak ni Tristan ang anak ko rin na lalaki. Pero bigla na lang bumuka nag madilim na ulap at lumabas ang isang napakalaking liwanag. Tinamaan kami ng pamangkin ko na nasa mga braso ko ng mga oras na yun. Humilom ang sugat nya sa leeg at nawala ang mga tatoo na nilagay ni Lizardo sa kanya. Masaya ako nun at napaiyak pa rin. Bigla na lang may tinig “Buhay pa pala! Mabuti!”. Ang Prinsipe, buhay din pala.

Ito ang maliit na summary kung ano ang nangyari ng tinulungan ko ang kapatid ko sa ibang mundo na si Tristan. Namatay sa panganganak ang asawang nyang si Eden. At nawalan na rin sya halos ng tiwala sa Dyos. Maraming nangyari sa isang buwan na paglalakbay namin kasama ang iba pang mandirigma na gustong tapusin ang kasamaan ng hindi mapatay patay na anak ng Demonyo na si Lizardo.

Pero nasasaktan pa rin ako ng pababa kami ng bundok, naaalala ko ang Prinsesa na naging kasama namin. Nagkalapit din kami at nagkausap ng maraming beses. Sa mga huling hininga nya, hiniling nya na sabihin sa mga magulang nya na masayang sya namatay dahil hindi sya mamatay na walang laban sa trono at matanda na wala nang magawa. Mamatay sya na nakipaglaban para sa ngalan ng kaharian nila. At yun ang dangal na dapat kilalanin ng ama nya na hind isya pinahintulotang umalis nun. Pangalan ko ang huli nyang binigkas at nakangiti sya nun hawak ang mukha ko. Pana ang nakatama sa kanya.

Paano nagsimula ang lahat? Isa at kalahating taon pagkatapos makabalik si Tristan at Eden sa mundo nila ay nagkaroon sila ng anak. Pero sa isang misteryosong dahilan, hindi nakayanan ni Eden ang panganganak sa sanggol na lalaki. Hindi matanggap ni Tristan ang trahedya na nagresulta sa pagkuwestiyon nya sa pananalig nya sa Dyos na ama. Sa loob ni Tristan, hindi tama ang nangyari. Dapat binigyan siya ng gantimpala sa pagkakasalba nya sa nayon ng Santo Sepulchro. At kahit man lang yun na lang ang gantimpalang yun na makasama ang asawa at anak nya habambuhay. Hindi naging madali kay Tristan ang lahat pero kinaya nya. Hanggang sa isang umaga habang humahanda si Tristan sa pagpasok sa Trabaho, nagkagulo sa bahay nila ng biglang humingi ng saklolo ang babysitter ng anak nya. Nanlaki ang mata ni Tristan ng makita na isang napakaitim na taong paniki ang nakahawak sa anim na buwang anak nya at walang malay ang babysitter sa sahig at may kagat ito sa leeg. Tumakbo si Tristan para agawin ang sanggol pero di nya nakayanan ang bigwas nito at tumilapon sya. Mataas ang taong paniki at malapad ang pakpak. At gamit ang kapangyarihan nya pinalipad nya si Tristan at hinagishagis sa lahat ng sulok ng sala! Inangat nya ito sa ere at pinalapit sa kanya. Binuka ng taong paniki ang bunganga nya na may matutulis na pangil malapit sa leeg ni Tristan na parang kakagatin ito. Walang magawa si Tristan dahil kontrolado din ng taong paniki ang katawan nya. “Sabi ng panginoong Lizardo, wag daw kitang patayin! Ewan ko kung bakit?” At sa isang bigwas na naman ng taong paniki at tumilapon si Tristan papalayo sa kanya at nawalan na ito ng malay. Nang magising si Tristan wala na ang anak nya at patay ang Babysitter. Tumawag sya ng pulis at sa presinto sya pa ang napagkamalan na pumatay ng babysitter nila. Nakulong si Tristan. Lahat ng ebidensya tumuro sa kanya bilang salarin. Pero magaling din ang abogado na kinuha ng pamilya ni Tristan sa probinsya at hindi ito nakaabot ng piitan sa Muntinlupa. Namalagi ito sa HQ ng mga pulis dahil hindi pa rin maipaliwanag ang lahat. Kagat ng hayop ang sa leeg ng babysitter. Pero makapangyarihang babae ang mama ni Eden, ang lola na anak nya at nagawan nya ng paraan na makulang si Tristan sa Muntinlupa. Unang araw na pagkakapiit ni Tristan, nagkagulo sa loob. Si Tristan ang pinagtripan. Napaligiran sya ng halos 20 preso at sasalakayin na sana ng mga ito ng biglang may liwanag na lumabas sa likod ni Tristan at ang lahat ay parang nabulag sa tindi ng liwanag! At ako yun! 🙂 hehehehe…  Hawak ko ang espada ko nun at hinawakan ko si Tristan sa balikat at tinarak ko ang espada sa sahig, kasabay nun ay ang paglitaw uli ng nakakabulag sa liwanag sa palibot namin at nateleport kami sa gubat malapit sa Santo Sepulchro!


Galit si Tristan nun at nagsisigaw “Bakit ganun! Hindi tama to! Pagkatapos na lahat? Ito ang magiging tadhana ko? Hindi tama!Mali ang lahat ng to! Mali”. Pinaliit ko muna bilang isang balaraw ang hawak kong espada at inalalayan si Tristan. Umiyak siya habang lumuluhod. Matagalo din yun. Halos 15 minutos. Hindi muna ako nagsalita. Pagkatapos nya, sinabi ko ng marahan “Kaya tayo nandito ngayon, bumalik tayo sa Santo Sepulchro para itama ang lahat ng mali. Hindi pa pala tayo tapos dito. Kailangan nating tapusin ang lahat. At ngayon ko lang din nalaman ang lahat ng nangyari. Naghihintay sila sa atin sa nayon. Mas magulo ngayon”. “Ang anak ko! Pahiramin mo ako ng espada mo kuya! Ang anak ko!”. Nagmamadali si Tristan nun na puntahan ang mga dumukot ng anak nya pero hindi na dun ang dating kota ni Lizardo. Nagpumilit si Tristan nun pero nakumbinse ko pa rin sya na huminahon. At naglakad kami papuntang nayon. Mangiyakngiyak si Tristan ng papalakad kami papuntang nayon “Sasalakay ka ng magisa e parang wala kang tulog…maghahanda tayo. Maghahanap tayo ng makakasama natin… at may duda rin akong nandito ang asawa mo sa mundong ito…”.

Apat na linggo at 2 araw. 30 araw bago ang pulang buwan…

Unang linggo
To be updated…

Pangalawang Linggo
To be updated…

Ikatlong Linggo
To be updated…

Ikaapat na Linggo
To be updated…

Ang mga huling sandali ng katapusan
To be updated…

 

 

 

 

 

 

Ill see if i can write what happened in one world wherein we helped Pandoy Ang Alalay ng Panday in saving his world from the minions of Bevora. An adventure with Tristan, Juan dela Cruz and Flavio!


There is also another amusing world. It’s an Alternate world! Instead of Esmeralda being kidnapped and put in a cage by the son of the Devil Lizardo, it was Flavio who awaited for his wife to rescue him. In that world it was Flavio’s wife who took the voyage with his very own forged sword to rescue him the caves. It was amusing at first but that world was upside down. Esmeralda came from an Amazonic tribe. The Daughter of the Queen and Flavio was able to help their tribe and in turn won the daughter of the Tribe Queen. He took him to Santo Sepulchro and lived a normal life until one day, Esmeralda’s husband never came back. Lizardo’s plan was to possess Flavio and he has to wait again for the specific cycle of the moon. And so the voyage of Esmeralda came to be…

Ibang iba na ang mundo na yun ngayon. Nalito na ako. Parang nasa ibang probinsya lang kami ng Pilipinas. Nasira na ang pagiging inosente ng Sto. Sepulchro. Ang mga tao nararamdaman ko na hindi na sila talaga katulad nung unang nandito ako. Na kung saan ay 5 araw akong nakatulog dahil sa kapangyarihan ni Lizardo. Naaalala ko pa nun, pinapatayo lang nila ako na sapilitan para painumin ng gatas sa tela at inaaalalayan para pumunta ng kubeta ng sapilitan din. Iba ang hypnotismo ni Lizardo, pagnatamaan ka nito, mararamdaman mong tindi ng antok, panghihina ng katawan at diskoordinasyon ng paningin mo. Noon, may respeto pa ang tao sa isat isa. Pagkasalubong nilay magbabatian ng ngiti. Ngayon parang wala na silang pakialam. Parang pareho din sa mundo na to. Nakaupo lang ako sa isang sulok sa may palengke. Si Tristan kasi may iniimbestiga sa mga kakilala nya nung una at nagbantay ako sa may labasan. May lumapit na batang babae. 4 na taon pa lang sya at bihis na bihis. Alam nya ang tungkol sa amin ni Tristan. Masaya ako nun at marunong pang rumespeto ang mga bata. Naaliw ako sa mga tanong at paguusap namin. “Kuya kayo yung taga ibang mundo ano? Kayo po ba si Flavio? Ang Panday?”. Napagkamalan nya pa ako nun dahil sa balaraw na hawak ko. Nakangiti syang nagtatanong. Humingi ng permiso na hawakan ang balaraw, hindi ko nga lang pinahawak sa may hawakan dahil baka biglang humaba. “Maganda ba sa mundo nyo Kuya Mark? Siguro mas mabuti kung doon na lahat mga taga dito para walang gulo”.  Ang mga sumunod na paliwanag ko sa kanya ang nakapagpatawa din sa akin ngayon katulang ng reaksyon ni Flavio ng nalaman nya tungkol sa paguusap namin ng bata. Sabi ko “Hindi mas maganda dito! Doon mabaho ang hangin. May mga bomba at mga baril na ginagamit ang mga masamang tao para manggulo, maraming kasangkapan ang mga tao dun para maghasik ng gulo. At nakapainit palagi!….” Naging mas mahaba ang usapan namin. Natagalan si Tristan. Ang mga magulang nya pala may paninda sa palengke at nakipagkilala din. Huling usapan namin pinayuhan ko sya na magdasal palagi at turuan nya ang mga katulad nyang bata na magdasal at maging Madre sya. May natanong sya sa akin nun na nakakaaliw na pambatang tanong at napasabi ko ng “OK lang yun”. “Ha? Kuya, ano yung OK? Ano yun?”. At doon nagsimula na naging uso ang OK sa Sto. Sepulchro.

Nakakatawa yung mga sinabi ko kasi sa mundo na yun meron din mga bagay at mga kasangkapang mapamuksa pero hindi gawa ng teknolohiya kundi ng mahika at natural na elemento.  Dito kung meron Nuclear Bomb, doon may dragon! Kung may baril dito, doon merong mga taong ma lumalabas na kapangyarihan sa mga kamay o patpat nila. Kung merong mga eroplano dito, doon meron din mga paniki na tumitira ng apoy at mga mangkukulam na nakasakay sa walis tingting! Mas nakakatakot nga dun kumpara dito. Doon magugulat ka na lang may usok na babalot sa paligid mo, pagkawala nun, nasa hawla ka na. Meron din mga malalaking mga halimaw na halos 15 talampakan. Meron din mga halimaw na may hawak ng espada at hindi nakikita ng mga mata ng tao. May mga nilalang din na nakakapagpaulan ng apoy. Meron din nakakakontrol ng tubig.

 

What’s happening in Sto. Sepulchro?

Change, thats what happened in Sto. Sepulchro. There are even people from other continents. I can recall one beautiful young lady who looked like shes Chinese but her eyes is a bit of Japanese. She saw us with Flavio. We both smiled at each other but Flavio pushed me to move along. But that is not how change is in that world. Its not the change that we want. The place is starting to feel and look like this world…

In war, you cant save everyone. There were be casualties, there will be innocent lives that will be wasted. And those innocent lives will inflame an inspiration to the ones that will be left behind. For each and everyone of us lives for someone that we love. You take that away, and you have someone whose got nothing to live for. Someone who knows no fear. Someone who doesnt fear death itself. Someone who sees death as a salvation for the pain. That afternoon that we were at the Market Place, me and Tristan. Just as i was narrating above, i was talking to a little girl.  We were not aware that the horsemen of blackness and death were marching towards a small village on horseback.  Their flesh stinks with rot. Their entire bodies are covered plated with armor. And their fingers are pointed sharp with metal. Their faces are all covered in hood. It covers the animality that was brought to them, their deaths brought them what they are. Reanimated corpses. Tortured and brought back to life. Death enshrouds them with their faces all dried out of blood, crumpled and blue. Their eyes gleaming in bluish power and their mouths shows pointed teeth that can shred open your neck. They know nothing but death for they are the embodiment of death itself. They march for death and the stink of death follows them. And now theyve reach a village of peace loving people. Their leader has signalled them all to halt in formation. Raised his right hand with his fist. And as he drew his sword from his back the others did too. Slowly, the horse that is ridden also with death and of the same manner of monstrosity with their riders marches slowly with strict command. The horses themsleves are reanimated corpses. At that time, we were at the Market place. I was talking to a little girl while Tristan searches for the people that he used to know. Sitting on a rock on the ground, the cute little girl was asking questions that the townsfolk should be asking too. We didnt know that a village several kilometers away from us was being slaughtered. Women, Children and even old people were ruthlessly murdered and mutilated first hand. It was pure monstrosity that was only discovered by everyone at Sto. Sepulchro a week after the incident. We were not at the village anymore when the father’s or the men of the small peaceful village brought up the incident to Sto. Sepulchro. It was such a tragedy that the survivors of the village saw no reason to live anymore. It was such a shame because that little village was still like the old Sto. Sepulchro that we know of. Peaceful and helping each other on their daily needs. And now it is all in ashes and the wives and children of the village were literally ravaged and eaten. Whats left are their heads and parts of their bones on the ground intentionally displayed to bring one message. Death will come to everyone without mercy. The men of that village were hunters and laborers to other territories. Most of them goes back home a couple of days after. They are muscle bound men from a hard days work and now they are left with nothing but their despair and misery of their lost loved ones. So much of a misery that they all have to collect the remains of their wives and children scattered all over the village in order to give them a descent burial. There were some who killed themselves out of misery. But most of them looked for the blacksmith when they arrived at Sto. Sepulchro. They want revenge. And they were informed that The blacksmith was not in the village but only me and Tristan and was on a voyage on that very previous night. We were a week on the village, I was training Tristan, preparing him. And while at Sto. Sepulchro, we were resolving the matters of the village. That night, Tristan had a dream. His wife’s soul was trapped at the cave were Lizardo took her. Her wife Eden informed him of Lizardo’s plans and were she can be found together with his baby son. On that same night, that Tristan woke up, we gathered our things and decided to set on a voyage.

Before killing Lizardo with the powers that came out of the two swords, we were not able to face the Horsemen of Blackness and Death yet. We have heared of them but we were not able to encounter any one of them during the quest.



But it seems like, evil kept on coming back on that world. Lizardo was banished but a new powerful entity has set the skies into darkness again in that world. This time me and Flavio thought of preparing for the worse for we know that this is the worse. We know that this time, we will need to be in full armor. We will need to wear a helmet and a shield. And i thought of the Spartans. Its funny because Flavio was not able to watch the movie yet when we first talked. I also thought of the primitive weapons of destruction, contraptions and machines of war. And of course we will need hard men, men with experience on the battlefield like us. But there are no other men like us who has ever went to war like we did. If there are, those men can only be found from afar. And we sent word for those men and when they found out that the Horsemen of Death is coming to Sto. Sepulchro, they all backed out in fear. No one has ever killed one. No not yet in a few years that their notoriety spread all over the land. But the men that i mentioned above spoke differently, they dont know fear anymore. Theyre not afraid of death. For death has taken so much from them and it has made them saw death as their daily life struggle. Now that life has been given an opportunity to avenge what happened to the very reason of their existence. To stand with a sword against the Horsemen of Death. And so Flavio forged the armor and the weapons that we will need. And the red cape that will also prove to be of tactical purpose. Everyone needs to train including us. We need to know how to master handling a spear. But that is not where everything started when we came back to Sto. Sepulchro again…

I can still recall my first kill in Sto. Sepulchro. Me and Tristan were chasing men that kidnapped some little children on the village. They hid them in the forest. There was no one around when suddenly one man rushed to me with incredible speed but i was able to take out the dagger in my waist and thrusted it on his guts and the dagger transformed into a sword going through behind his back with its light.

 
Mark Adrian Cawit

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s